Assessor-Recorder's Biography - Filipino
Si Joaquín Torres ay pinapanumpa ni Mayor London bilang Assessor-Recorder ng San Francisco noong Pebrero 8, 2021. Bago pa sa kanyang pagkakahirang, nagsilbi si Torres bilang Director ng San Francisco Office of Economic and Workforce Development mula noong 2018 at pinamunuan ang mga pagsisikap sa buong lungsod na mapagaan ang mga kahirapan sa ekonomiya sa mga negosyo at manggagawa nitong panahon ng COVID-19 na pandemya.
Sa nakalipas na mga taon, nakikipagtulungan si Torres sa paggamit ng mga mapagkukunan ng pantulong sa mga departamento ng Lungsod upang makalikha ng mga oportunidad para sa lahat, mapalawak ang suporta para sa maliliit na negosyo at mga manggagawa, linangin ang kakayahan at katatagan para sa mga lokal na nakaugat na samahang di-pinagkakakitaan, at palakasin ang pantay-pantay na epekto sa ekonomiya at lipunan para sa kapakinabangan ng mga komunidad, residente, negosyo, at kapitbahayan sa San Francisco. Bilang Director ng Office of Economic and Workforce Development, nagkaloob siya ng pamumuno at koordinasyon sa buong lungsod para sa pagpapaunlad ng puwersa ng manggagawa, pagpapaunlad ng negosyo, pagpapaunlad ng ekonomiya sa komunidad, pelikula, maliit na negosyo, at pagpaplano ng pagpapaunlad.
Si Torres din ang Presidente ng San Francisco Housing Authority Commission, tagapangulo ng oversight body habang ang Authority at Lungsod ay nagpapatupad ng isang proseso ng muling pagsusuri ng pananaw para sa rehabilitasyon ng mahigit sa 3,400 yunit ng pampublikong pabahay na mayroong $750 milyon para sa mga pagpapabuti, na humahantong sa paglipat ng pagmamay-ari ng mga tagapagkaloob ng serbisyo sa abot-kayang pabahay upang pinakamahusay na makapaglingkod sa mga komunidad na may mababang kita.
Noong dati, nagsilbi na si Torres bilang Director sa San Francisco Invest in Neighborhoods na inisyatiba, Director ng Mayor’s Office of Neighborhood Services, at Liaison sa San Francisco Latino and American Indian na mga komunidad at sa mga Pinapangasiwaang Distrito Siyam at Labing-isa (karamihan sa mga komunidad ng Mission at Excelsior).
Itinalaga ni Torres ang sarili para sa Katarungang Panlipunan at Pagkakapantay sa Lipunan. Lumahok siya sa pagpapasinaya ng mga tagataguyod ng programa ng Lungsod na Government Alliance for Racial Equity, kung saan ipinagkakaloob sa mga lider ang balangkas at mga kasangkapan upang baguhin ang mga sistema at institusyon na makasaysayang nakakaapekto sa mga grupong itinuring na walang katuturan. Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Torres bilang Chair ng Equity, Diversity and Inclusion Committee para sa American Conservatory Theatre (A.C.T.) at bilang isang miyembro ng Equity Advisory Council para sa San Francisco Bay Area Planning and Urban Research Association (SPUR). Nagtapos si Torres sa Stanford University at sa Tisch School of the Arts ng New York University. Nakatira siya sa Inner Sunset kasama ang kanyang maybahay, na si Ruibo Qian.